Chapter 03 3rd Person's POV Nakadapa ngayon sa sahig si Sebastian matapos siya sipain ni Hector noong umupo ito sa kama ng dalawa o tatlo ang metro ang layo sa kaniya. "Emperor?" ani ni Lucas. Sinabi ni Sebastian na ayos lang siya — carpet naman iyon ngunit ang pangit tingnan kung may makakita sa emperor na nakadapa sa carpet. Namumula ang mukha ni Hector sa inis. Tinangka na naman siya nito hawakan. Ilang minuto hindi tumayo si Sebastian. Nakita ni Nathan na sinipa ni Hector ang unan at nahulog iyon sa ulo ng emperor. Napasapo sa noo si Nathan. Hindi niya ini-expect na darating ang araw na makikita niya ang emperor na kawawain lang ng isang hamak na male consort. "Bakit ba kasi ang damot mo! Makikihiga lang ako!" sigaw ni Sebastian. Inangat ang ulo at tiningnan ng masama si Hect