Chapter 18 3rd Person's POV Galit na galit ang prinsipe matapos makita ang paraan ng pagtingin sa kaniya ni Hector. Umiwas ng tingin si Hector. Sinundan nina Mirabeth ang emperor at ang reyna. "Anong ginagawa mo dito sa labas? Hindi ka ba napagod?" tanong ni Sebastian. Hinawi ni Sebastian ang buhok ni Hector. Bumuga ng hangin si Hector at sinabing hindi siya makatulog. Naglakad na sina Sebastian at Hector patungo sa palasyo na inakupahan para sa kanila. Balak nilang magpahinga na lang sa silid. Ilang araw din sila naglalakbay at hindi talaga madalas sila komportable sa inn. Bago pumasok sa silid binilin ni Sebastian na i-check palagi ang mga prinsipe at prinsesa— huwag kalimutan padalhan ang mga ito ng pagkain. Sinara na ni Sebastian ang pinto at tiningnan si Hector na nakaupo ng