Chapter 32 3rd Person's POV "Ina." Nag-angat ng tingin si Hector. Nakaupo ang lalaki sa kama at yakap ang mga tuhod. Mga anak iyon ng emperor. May dala ang mga ito na basket na puno ng peach fruits. Hawak iyon ni Ocean. "Sorry kung nagalit ako sa iyo. Pinili ko itong mga peach. Matamis ito," ani ni Ocean dala ang basket. Nakayuko si Ocean katabi si Luna at Rafael. Dumilim ang mukha ni Hector. Natakot sina Luna kaya hinawakan nila si Ocean at sinabing umalis na sila. "Saan kayo pupunta akala ko ba akin iyan?" ani ni Hector. Sa isip ni Hector masama mam-bully ng bata. Nilapit ni Ocean ang mga iyon sa kama. Nandoon si Nathan— wala naman na ginawa si Hector kaya medyo napanatag si Nathan. — Nakatayo sa veranda si Hector habang kumakain ng peach na dinala ng tatlong bata sa