Chapter 15 3rd Person's POV Play na nina Hector. Hinahanda na ang stage para sa kanila. Lahat kabado kasi talaga naman na puno ang gymn at may malaking screen sa labas ng gymn— lahat sila ay pinanonood. May inimbitahan din na mga teachers galing highschool at nandoon ang dean para manood. Huli sila sa mga magpe-perform. Pinaghandaan talaga iyon ng lahat either ang props. Kalmado lang naman si Mike at sa lahat ito pa iyong nagawang kumain habang naghihintay. Pinanonood niya lang si Hector na ginagawa ang scene niya kasama si Nero. "Ewan ko lang ah. Masyadong cligy ang kwento na ito," ani ni Draven. Sinabi ni Mike na huwag ito magsalita ng ganoon— pinaghandaan iyon ng lahat. Ang kwento ay about sa prinsipe na naglalakbay para kuhanin ang isang crystal na pagmamay-ari ng isang diw