Chapter 23 3rd Person's POV "Mike!" Naibuga ni Mike ang iniinom. Nakaupo ang lalaki ngayon sa bench habang hawak ang sketchpad niya. Napaangat siya ng tingin. Nakita niya si Sebastian at Hector. Sabay ng mga ito sinabing gusto nila bilhin ang painting ni Mike. "Anong painting?" tanong ni Mike. Sinabi ni Hector na iyong painting sa art gallery. Napakamot si Mike sa pisngi at sinabing may bumili na 'non. "Dodoblehin ko ang price!" sigaw ni Sebastian. Napa-pokerface si Hector. "Titriplehin ko ang presyo na ibibigay ni Sebastian. Akin ang painting," ani ni Hector. Nagsukatan muli ng tingin ang dalawa. Nasa gitna si Mike na napahilot sa sentido. "Look— hindi ba dapat iyong buyer ang hanapin niyo. Hindi na sa akin ang painting na iyon. Gosh! Pwede ba huwag niyong sirain ang peace of

