Naisipan ni Allezandra na magbait-baitan nang sa ganoon ay makukuha niya ang loob ng kaniyang kakambal. At madali na niya itong paikutin sa kaniyang nga palad. Kahit kay Peter ay gagawin rin niya ang lahat upang maibalik ang kaniyang pagmamahal para sa kaniya. Kinabukasan, maagang nagising si Allezandra upang maghanda ng almusal para sa kaniyang asawa. "Good morning, mahal..." salubong niya kay Peter at papasok ito sa kusina. "Mabuti at naisipan mong gumising nang maaga, may lakad ka ba?" kalmadong tanong ni Peter at akma itong kukuha ng tasa. "Ako na, mahal. Maupo ka na lang." Dali-dali niyang hinila ang upuan at pinaupo niya ang asawa. Alam niya ang gustong timpla ni Peter sa coffee kaya iyon ang kaniyang ginawa. "Ito, mahal." Nang maibigay niya ang tasa ng kape ay dali-da