NAPAGOD ang dalawa matapos ang kanilang kasal. Wala ng honeymoon na nagaganap sapagkat ayaw ni Cloe. Para sa kaniya ay masaya na siya na ikinasal silang dalawa. Pansamantalang dinala ng mga magulang ni Cloe ang kanilang anak, upang makapag pahinga silang mag-asawa. Hindi naman tumutol si Zoey, dahil minsan lang naman at para kahit papaano ay makapiling nila ang panganay na apo. At alam rin niya na maalagaan ito ng maayos. "Napagod ka ba?" tanong ni Zoey sa asawa. "Medyo," tugon nito at sumandal sa gilid ng kama. "Magpahinga ka muna," he said. "Mag-shower muna ako ako para, diretso na ang aking pahinga. "Okay, mag-ingat ka sa loob." "Okay!" Nang makapasok siya sa loob ng banyo ay si Zoey ang naghanda sa kaniyang damit na pantulog. At tinimplahan rin niya ito ng gatas. Pagkalab