UMABOT ng apat na buwan bago nabinta ang bahay ni Zoey, at nag-resign na rin siya sa hospital na kaniyang pinagtatrabahuhan. "Uwi na tayo, anak. Makakasama mo na si, Mommy." "Mey ... Mey ..." tugon naman ng kaniyang anak. Naka-schedule na ang kanilang flight sa susunod na linggo at ang plano niya ay dumiretso muna sa Cebu. Upang makita ni Cloe ang kaniyang anak dahil alam niyang miss na rin niya ito. Ang kaniyang pagdating ay inilihim ng mga gulang ni Cloe sa kaniya sapagkat nag-aalala ang mga ito na baka ipagtabuyan niya ito. Hanggang sa sumapit ang araw ng pag-uwi ng mag-ama. At kasalukuyang nasa himpapawid na ang eroplanong kanilang sinasakyang. At ewan ba ni Zoey, kung bakit siya excited na makita ang kaniyang mag-ina. "Tuluyan ko na bang nakalimutan ang yumaon kong asawa?"