TWO YEARS LATER- TULAYANG kinalimutan ni Angelo ang kahapon at unti-unting naghilom ang sugat na nilikha ng ina ni Zoey. Dalawang taon rin niyang iniyakan ang paglayo niya sa asawa. At itinuring na lamang niya itong isang masalimuot na panaginip. Para tuluyang makalimutan ni Angelo ang dating asawa ay nagsimula siyang nag-apply sa iba't ibang hospital. Agad namang nakakuha ng trabaho si Angelo sa 'CEBU, VICENTE SOTTO HOSPITAL', bilang head-nurse. Hindi ito pinalampas ni Angelo, at agad siyang nagpaalam sa mga magulang. Pumayag naman ang mga ito sapagkat gusto rin nilang magiging masaya ang kanilang nag-iisang anak. MARAMI siyang nagiging kaibigan at iginalang bilang isang mabait at masipag na nakakataas sa hanay ng kanilang departamento. Tanggap rin siya ng mga ito bilang isang