"Rafael, napatawag ka?" "Nasaa na?" he asked. Matagal bago nakasagot ang asawa. "Nandito sa bahay ni Zoey." "Paano mo nalaman ang bahay ng anak mo? At ano ang ginagawa mo diyan?" "Importante pa bang malaman iyon? At wala na ba akong karapan na madalaw ang anak mo?" "Carolina, kapag hindi ka makauwi dito hanggang bukas ng umaga. Hindi ka na makakapasok dito sa bahay!" "Rafa —!" putol nitong sasabihin matapos kanselahin nito ang tawag. Tila kinabahan naman si Carolina sa banta ng asawa. Dahil minsan lang itong magalit at kapag nagbitiw ng salita ay talagang tinututuo. "Tita, what's wrong?" "Si, Tito Rafael mo nagbanta. Need na nating umuwi ngayon. Babalik na lang tayo sa ibang araw." "Okay, Tita." Umalis ang dalawa na wala man lang pasabi. Nang makababa ang mag-asawa ay agad ti