Nagpalakpakan naman ang mga kaibigan nilang nakasaksi sa kanilang tunay na mga damdamin. "Thank you, Angel. I love you so much." Madamdaming sabi ni Zoey, sabay halik sa kaniyang labi. "Thank you too, Zoey. Dahil tinanggap mo kung ano at sino ako. Mahal na mahal rin kita." Sabay yakap niya rito. Alam ni Angelo na may kamahalan ang singsing. Kaya ramdam niya na totoo ang pagmamahal ni Zoey sa kaniya. Nang matapos ang proposal ay kumain na silang lahat. KINAHAPUNAN ay magkasama ang dalawa sa pag-uwi at nagtaka si Zoey. Sapagkat sobrang tahimik ni Angelo, na tila malalim ang iniisip nito. "May problema ka ba Angel?" "Wala naman Zoey, sobrang saya ko lang. Hindi lang talaga ako makapaniwala na mag-propose ka ng maaga sa akin ng kasal. Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" "Dapat paniwala