DATE EUNICE HAZE VALERIANO NAKARATING sila sa isang bahay sa gitna ng kakahuyan, hindi ito malaki at hindi rin naman ito maliit. Buong biyahe ay tahimik lang siya at ganoon din si Marde na hindi nag-usisa, marahil alam nitong wala siya sa sarili. Ipinarada ng binata ang kotse sa tapat ng isang maliit na gate bago ito bumaba at pagbuksan siya ng pinto. "Come," yaya nito saka inilahad ang kamay at inalalayan siyang bumaba ng kotse. "Where are we?" tanong niya saka inilibot muli ang tingin sa buong lugar habang hawak nito ang kamay niya at naglalakad papasok. "We're at my safe haven," sagot nito saka ngumiti. Namamanghang pinagmasdan niya ang paligid, napakalawak ng bakuran niyon at mayroong kung ano-anong gamit panlibang. May mga upuan, billiard, barbeque spot, pool, trampoline, at ma