s**t IS GETTING REAL ANN GABRIEL PATTERSON'S POV "It's you!" eskandalosang sigaw ng babae sa harap ko habang nakaturo ang isang daliri sa'kin, walang ganang nag-angat ako ng tingin mula sa binabasa ko. Ah, the best friend, what is she doing here? This is interesting. Hindi nga pala niya ko kilala bilang kaibigan ni Eunice kaya mukhang hindi siya pamilyar sakin. "Sinong nag-utos sa'yong sirain ang pangalan ni Zeus? Sino?! Magkano ang binayad niya sa'yo? Dodoblehin ko!" nanggagalaiting sigaw nito ngunit binalewala ko lang iyon at nagbaba ng tingin upang ituloy ang pagbabasa. Nakakakuha na ng atensyon mula sa ibang kumakain ang ginagawa niyang pagsigaw pero wala akong pake, kahit na lumuha pa siya ng dugo riyan ay wala akong isasagot. "Sabihin mo! Magkano ang binayad niya sayo?!" tanong