SEXY LOVE AND AMORE MIO EUNICE HAZE VALERIANO "SEXY love, ayaw mo pa ba talagang magpakasal sa'kin?" tanong ni Marde saka naglalambing yumakap sa kanya. "Amore mio, kasal naman na tayo hindi ba?" tugon niya saka kumalas sa yakap nito at dadamputin sana ang nakakalat nitong damit sa sahig ngunit dahil nahihirapan na siyang kumilos at yumuko ay naunahan siya ng asawang makuha iyon. "I got you, sexy love," wika nito saka inihagis ang damit sa laundry basket. "Marunong ka naman palang maglagay sa tamang lagayan e, so bakit 'di mo gawin madalas?" panenermon niya saka inirapan ito at naglakad palabas ng kwarto. "I'm sorry, kapag ginawa ko ba 'yun lagi papakasalan mo na ko?" tanong nito na agad nakasunod sa kanya. "Marde, kasal naman na tayo hindi ba? Kita mo o, dalawa na singsing sa da