NEAR THE END EUNICE HAZE VALERIANO MABILIS na ibinalik niya ang mga PT sa supot at kahit na nanghihina ay dali-daling umalis sa lugar na 'yun. Tinahak niya ang daan pauwi sa bahay nilang mag-asawa at wala pang kalahating oras ay nakauwi na siya. Sa bilis ba naman ng pagpapatakbo niya kanina ay malabong abutin siya ng isang oras, kahit ata harangin siya ng mga pulis sa daan dahil sa over speeding ay hindi siya hihinto. Hindi niya alam kung bakit nagmamadali siya pero isang bagay lang ang nasa isip niya, gusto niyang ipaalam sa asawa ang tungkol sa pagbubutintis niya at papiliin ito. Kung siya ba at ang anak nila o ang babae nitong si 'Honey'. And if he choose the latter, hindi niya na ipipilit pa ang sarili sa lalaki, siya na ang magpapaubaya sa mga ito at itutuon na lang ang buong atensy