KAHIT SAAN PASTRIES OPENING DAY EUNICE HAZE VALERIANO "Pakilagay na lang po diyan," pakisuyo niya sa lalaking may dala ng bulaklak na ipamimigay sa mga babaeng bisita at mga kaibigan niya. Speaking of them, wala pa ang mga ito pero umaasa siyang hindi siya nito to-talkshitin. Abala sila sa paglalagay ng finishing touches dahil ngayong araw na gaganapin ang opening ng kanyang bakeshop. Masaya siya at sobra ring kinakabahan dahil hindi niya hawak kung ano pa ang mangyayari ngayong araw, but she is wishing for the best. Isinantabi niya muna ang lahat ng pag-aalala at isipin, itutuon muna niya ang buong atensyon sa araw na ito. "Chill out Eunice," narinig niyang sabi ni Lucas na kakapasok lang sa shop na halata sa boses ang himig ng pagkaaliw dahil aligagang-aligaga siya. Nag-angat siya ng