Tanghali na ko nagising kinabukasan. Nagpalit lang ako ng damit at sa sobrang pagod at antok ay nakatulog agad ako kagabi. Nilingon ko ang kama, mag-isa ako. Naalala ko ang nangyari kagabi. Dito kaya siya natulog? Pagkaligo ko ay agad kong tinawagan sa Skype si Lauriel. “O ano’ng nangyari? May..nangyari ba?” Humagikgik pa siya sabay subo ng popcorn. Kinuha ko ang suklay at ginamit sa aking buhok. “Wala! At walang mangyayari. Nagtataka lang ako kung bakit nalaman ng pamilya ko ang tungkol sa kanya pati sa kasal namin. Tapos parang ang lapit-lapit na nila sa kanya..” “Baka naman siya ang lumapit sa magulang mo. Hindi ba sabi mo alam ng Lola mo ang nangyaring kasal seven years ago? Syempre mababanggit iyan sa mga magulang mo. Magtataka sila kung bakit nawala ka.” “Kung sinabi niya ang tot