Nakarating kami sa condo niya nang hindi ako kumikibo. Hindi rin siya nagsasalita. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin na parang naghihintay lang na sumabog. Kinakabahan ako. Pero alam kong wala akong ginawang mali kaya’t pilit kong binubura sa isipan ang kabang nararamdaman ko dahil kasama ko siya. Tiningnan kong maigi ang bahay niya. Inieksamin kung nandito pa iyong babaeng kahalikan niya. Kumirot na naman ang puso ko. Nanubig ang mga mata ko ng saglit na bumalik sa akin ang hulitng tagpo na nakita ko. Nasa couch pa rin ang bag ko at mga libro ko. Napatingin ako sa lamesita. Tanda kong doon ko ibinaba ang cellphone ngunit ngayon ay wala na. Huminto si Matt. Inihagis ang susi ng sasakyan sa lamesita at bigla akong hinarap. Nanggigil na sinuklay niya ang buhok niya kaya bahagya itong na