Kanina pa nababagot si Gwen. Paano ba naman kasi sinama siya ni tita Emma sa isang beach resort para um-attend sa birthday ng kumare nito. Malaya naman niya magagawa ang gusto. Pwede siyang mamasyal o 'di kaya ay maligo sa dagat pero sa kamalasan ay nagktaon na high tide. Hindi siya marunong lumangoy. Natatakot siya dahil sa tantya niya ay mas mataas pa sa kanya ang alon. May swimming pool naman, pwede siyang mag swimming doon. Pero hindi naman niya kayang mag two piece. At isa pa nakaka-insecure ang mga katawan ng mga naliligo do'n. Kung pwede lang hilahin ang oras para gumabi na. Tumawag kasi kanina sa kanya kanina si Ylac. Pinaalam na susunduin siya nito para mag dinner. Ang kinatatakot siya ay baka ma stranded siya sa resort. Hapon na. Malapit na dumilim ngunit nagsisimula ang kasi