Nakahinga ng maluwag si Gwen nang sabihin ng doktor na maliit lang ang sugat ni Ylac gawa ng pagkakatusok ng ulo nito sa alambre ng napigtas na kurtina. Madugo lang daw dahil ulo. Ang malaking rasun kung bakit ito nawalan ng malay ay dahil sa matinding pagod. Napaiyak siya sa takot kanina. Akala niya kung napaano na ito. Tinulungan siya ng mga kapit-bahay na isakay ito sa trisikel para isugod sa hospital. Kung ano-ano na ang pumasok sa utak niya. Nangangamba siya na nagka brain hemorrhage ito. O ‘di kaya’y na stroke o heart attack. Naisip niyang makukulong siya. At dahil isang Ylac Mondragon ang napatay niya ay muling isasabatas ang death penalty. Masisilya eletrika siya o ‘di kaya’y leathal injection. Nakontak na ang magulang ni Ylac dahil ang hospital na pinagdalhan niya ay kilalang