"Eto, gamitin mo na lang 'uli ang uniform ko," sabi ko at inabot kay Mariano ang uniform ko bago ako kumuha ng new underwear sa cabinet ko at inabot din iyon sa kanya. "Sa bahay na lang ako magbibihis ng uniform, nasa akin pa kasi 'yung isang uniform mo na ginamit ko dati," tanggi niya. "Ano ka ba? Ayos lang 'yan sa'yo na 'yun pati ito, bibili na lang ako ng bago," sabi ko at nagsimula na rin magbihis patalikod sa kanya. "At saka tatanghaliin tayo kapag nagpunta pa tayo sa bahay mo para magbihis ka." Dito kasi s'ya natulog kagabi. Hindi na s'ya umuwi sa bahay nila simula ng puntahan n'ya ako kahapon ng tanghali nang mag-cutting class ako. "Yaman! Daming pambili," sabi n'ya ng nakangiti, "Ibabalik ko pa rin 'yun dito para kapag dito ako natutulog may uniform na akong magagamit at saka