Parang gusto nang magtampo ni Neptali dahil sa palaging pagpunta ni Dion sa kanilang Mansyon para daw maka-bonding ang kapatid nilang matagal na nawala. Subalit wala naman itong magawa dahil naiintindihan naman niya ang sitwasyon ni Dion at ang pamilya nito. Gusto lang nilang makabawi sa tagal ng panahong nasayang dahil sa pagkawala ni Lyree kung sabagay ganoon din ang kanyang gagawin kapag nahanap na niya ang kanyang tunay na pamilya. "Hi there, Neptali!" wika ng isang boses na nagpakunot sa noo ni Neptali. Nasa Mall kasi sila kasama sina Marga para bumili ng kanilang mga stocks na kakailanganin dahil naubusan sila ng supply. Si Neptali naman na ang nakakaalam ng lahat na wala sa resort maging mga kailangan ng kanilang mga kasamahan. Ayaw sana ni Dion na payagan si Neptali subalit gusto