Malayo ang tingin ni Dion na nakatayo sa may balkonahe ng kwarto ni Neptali. Marahan namang lumapit si Neptali dito ay niyakap niya ito. "Ano ang iniisip mo?" tanong niya. Bumuntonhininga naman si Dion. "Wala, naiisip ko lang parang ako naman ang sinusubok ngayon tapos na kasi sina Spencer at Strawberry." Mahinang sagot nito. "Mahal ang pagsubok ay kasama sa ating buhay 'yan. Oo nga minsan gusto mo ng bumitaw, gusto mo ng sumuko pero hindi tayo bibigyan ng Diyos kung alam niyang hindi natin kaya." Payo ni Neptali. Unti-unti namang ngumiti si Dion at humarap kay Neptali. "Buti na lang nandito ka na, isa sa pinagkukuhanan ko ng lakas. Isa sa mga pain reliever ko at stress reliever, and thank you for that my love!" madamdaming sagot ni Dion. Ngumiti naman si Neptali dahil parehas din n