Magkaharap ngayon sina Spencer at Dion sa opisina nang huli. Dumaan kasi si Spencer upang ipaalala ang business trip nilang magkapatid sa makalawa. Na-adjust ang date at naiba rin ang lugar kung saan gaganapin ang naturang business trip. "Isasama mo ang Secretary mo?" tanong ni Dion sa kapatid nito. "Oo! Hindi makakasama ang mag-iina ko kasi may gagawin si Strawberry para sa School nila." Sagot ni Spencer. "Okay!" maikling tugon ni Dion. "Ikaw, bakit hindi mo isama 'yong mystery girl mo para naman makilala ko?" tudyo ni Spencer. "Tumigil ka sinabi ko nang wala akong mystery girl!" pandidilat naman ni Dion. Napatawa si Spencer. "Huwag ka nang maglihim, kita naman sa mga kilos mong palaging lutang. Ganyan din ako kay Strawberry noon, nagseselos na pala ako hindi ko pa alam." Wika nito