Naiinis si Dion kina Chris at Deo kahapon pa. Nagtataka din ito dahil sa biglaang pagbabago ng dalawa. Ngayon niya lang napansin na kursunada pala ng dalawang mokong si Neptali. Bakit hindi yata siya na-inform? Baka naman nagsimula iyon no'ng nawala siya dahil sa kagagawan ni Tylane. Mas lalong umusok ang ilong ni Dion nang maalala niya si Tylane, that witch! Aniya sa sarili. "Ang layo naman yata ng iniiisip mo Senyorito?" untag ni Marga kay Dion saka ito umupo. "Ha?! Hindi naman, may naalala lang ako." Pagkakaila ni Dion. "Ako nga po eh! May lihim akong gusto kay Paeng kaya lang huli na ang lahat, may gusto na siyang iba." Wika ng dalaga. "Ano?! Bakit napunta sa ganyang issue ang pagtatanong mo?" pag-iiwas ni Dion. Lihim namang napangiti si Marga, noon niya lang kasi nakitang namula