Kabado si Spencer nang makauwi ito, nakita na niya ang kotse ni Strawberry na nakaparada sa may parking lot ng Mansyon. Malalaki ang mga hakbang nitong pumasok sa loob, aagahan niya sana ang pag- uwi kaso ay napasarap sila ni Dion nang pag- uusap. Kaya kahit late na ay napabili pa rin ito ng bulaklak sa may flower boutique kanina bago ito nakauwi. Nagtaka rin ito dahil walang triplets na gumagala sa malaking sala usually kasi kahit gabi na naroon pa rin ang mga ito hinihintay siya. "Ang triplets Yaya?" agad na tanong ni kay Aling Felicidad. "Maagang natulog, pinatulog ni Strawberry dahil maaga itong nakauwi." Sagot ng Ginang. Napa- o tuloy ang bibig ni Spencer mas lalo tuloy itong kinabahan. Nagpaalam na ito kay Yaya Felicidad na natatawa sa hitsura ng alaga nito dahil alam na niya kapa