Napanganga si Marga nang makita nito ang bumababa na bisita nila. Agad na binitawan ni Marga ang hawak nitong hose ng tubig. Tumakbo ito sa kinaroroonan ni Neptali na likuran ng bahay dahil nagtatanggal ito ng damong dagat. "Neptali! Neptali, nasaan ka ba?!" sigaw ng dalaga. Nataranta naman si Neptali dahil sa ingay ni Marga. Umakyat kasi si Neptali sa may puno ng kahoy upang pigtasin ang ilang malalaking sanga nito. "Neptaliiii!" sigaw na naman ni Marga na nasa baba na ng puno kung nasaan si Neptali. "Ano bang sinisigaw mo riyan?" yamot na tanong ni Neptali. "Neptali? Nasaan ka? Bakit hindi kita makita ha? Huwag mong sabihing nagtatago ka na hindi ko pa sinasabi?" sabi ni Marga habang iginagala nito ang mga mata para hanapin si Neptali. Natawa naman si Neptali na naiinis. "Andito a