Diniretso ni Dion ang uminom ng alak, parang ginawa na niyang tubig ang nasabing alcohol. Siya namang nakita ito ni Spencer na katatapos lang din ihatid ang ibang mga bisita sa may malaking gate. "What are you doing?" agad na tanong ni Spencer nang malapitan niya ito. Ngumisi naman si Dion pagkatingin nito sa kapatid. "Ano pa ba? Kita mo ngang umiinom ako, alangan namang tubig itong hawak ko?!" pilosopong sagot ni Dion. " 'Yan nga ang tinatanong ko! Nandito ka ba para maglasing?" muling tanong ni Spencer. Napapalatak naman si Dion. "Alangan namang sasayaw ako at kakanta!" may pandidilat pa ang mga mata nito. Napailing-iling na lamang si Spencer, ayaw na lang niyang mag- talk. Nakakapagod ding suwayin ang ayaw magpaaawat na tao. "Hey, Spencer my friend! Pauwi na din ako, by the way