Imbiyernang- imbiyerna na si Lyree kay Strawberry malapit na itong masagad at ipakita ang kanyang tunay na ugali dito. Hindi alam ni Lyree kung nanadya ba si Strawberry sa kanya o talagang ganoon nga sila ng tunaya na kapatid nito. Kagaya na naman nang araw na iyon, napasigaw si Lyree sa takot at pagkabigla nang may biglang kumalmot sa kanya na isang itim na pusa. Allergy siya sa pusa, aso at basta hayop na may balahibo hindi niya masyadong na- research ang iba't-ibang gusto at hindi ni Lyree na kapatid ni Strawberry. As in malapit na talaga siyang sumabog at sabihing hindi nga siya ang tunay na Lyree. "Bakit takot ka yata at nagulat may dear sister? Paborito mo ang pusa, aso at iba pang hayop na may balahibo huwag mong sabihing pati iyan nakalimutan mo?" natatawang tanong ni Strawberry s