Dinala nga kinabukasan ni Strawberry si Lyree sa Mandy ng kanilang Mama. Medyo nadismaya si Strawberry dahil hindi nila naabutan doon ang pekeng Lyree. Kamukat- mukat sanang pang-imbiyerna ang kanilang gagawin hanggang sa mabaliw na lang sana ito at lumayas. "Gabi na naman 'yon darating, ang alam niya hindi ko siya sinusubaybayan. Magugulat kayo sa natuklasan ng ating private investigator anak!" saad ni Donya Magdalene. Napaangat naman nang upo si Strawberry. "Ano, Mama?" atat nitong malaman ang sinasabi ng kanilang ina. "Ang pekeng Lyree ay nakikipagkita sa kung sino-sinong hindi pagkakatiwalaang mga tao. Those are gunmen, some are members of syndicate. I wonder, kilala natin siya talaga kasi one time nagkita sin sila ni Tylane." Pagsisiwalat ng Donya. Kapwa nanlaki ang mga mata ni S