Nasa backseat ako ng sasakyan, nakatingin kay Sebastian na tahimik lang na nagda-drive. Katabi niya si mama na tahimik lang din at hindi ko alam kung nakatulog na ba sa pagod o sadyang pinili lang niyang ‘wag magsalita.
Awkward.
Everything is so awkward. Pakiramdam ko’y masasakal ako sa bigat ng hangin sa paligid naming tatlo. Idagdag mo pa ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko gaya ng: ‘natatandaan niya kaya ako?’
This isn’t the homecoming I imagined. Akala ko’y magiging maayos ang pag-uwi ko at ang pagkikita namin ng lalaking mapapangasawa ni mama, pero malayong-malayo sa inaasahan ko ang nangyari.
Or baka ako lang talaga ang nag-iisip?
Baka sa kanila ay normal at maayos lang ang lahat, at ako lang itong nahihirapan at naaasiwa sa sitwasyon.
“Tahnia...” Napaayos ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Sebastian. “Would it be fine for you to stay at my house tonight?”
“H-Ha? B-Bakit?” may pagkataranta kong tugon. Hindi ko mapigilang mag-panic. Bakit naman niya ako iimbitahan sa bahay niya para magpalipas ng gabi?
“Well, your mother and I talked about it earlier,” paalala niya. “I also think it would be best for the both of you to spend the night at my house so we could know each other more,” kaswal na dagdag niya.
“A-Ah...” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Napahiya ako sa isipan ko. I totally forgot na may usapan nga pala sila kanina. Masyadong magulo ang isip ko.
“Dumaan na lang muna tayo sa bahay, ‘nak,” sabat naman ni mama sa usapan namin. Bakas ang pagod sa boses niya. “Okay lang ba ‘yon sa ‘yo, Seb?”
“Yeah, that’s fine.”
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi pa rin mag-sink in sa akin na mag-aasawa silang dalawa.
Siguro tadhana na ang gumawa ng paraan para magtagpo silang dalawa. Dahil kung iisipin, si Sebastian ang sumagip sa buhay ni mama. Kung hindi ko siya nakilala nang gabing ‘yon, hindi ako makakalikom ng pera para sa panggamot niya.
Pero mananatiling lihim na lang ang bagay na ‘yon, dahil hindi ko kayang sabihin kay mama ang totoo. Liban sa nagsinungaling ako sa kanya na galing sa isang NGO ang perang ginamit ko pampagamot niya, ano na lang ang mararamdaman niya kapag nalaman niya kung paano ko nakuha ang perang ‘yon, ‘di ba? And what’s worse, mapapangasawa niya pa ang lalaking bumili sa akin nang gabing ‘yon.
Napailing na lang ako’t napatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
How did even things turn this way?
I just hope things will never more be complicated than they currently are.
---
Pagkarating sa bahay ay nauna na akong bumaba. “Kuha lang ako ng mga damit, ‘ma,” paalam ko saka dali-daling pumasok sa loob ng bahay.
Pero palusot ko lang ‘yon. Kinailangan kong lumabas agad dahil pakiramdam ko’y malulunod ako sa mga pasimpleng tingin ni Sebastian. Kanina ko pa siya napapansing panakaw-nakaw ng tingin sa akin mula sa salamin ng sasakyan. And it’s killing me. Pakiramdam ko’y hinuhubaran niya ako sa mga titig niya.
O baka ako lang ang nag-iisip nang gano’n?
Nakagat ko na lang ang labi ko saka ako kumuha ng mga damit. At nang matapos ay pumunta ako sa sala para sana doon na lang maghintay kay mama, pero natigilan ako nang makita ko si Sebastian na nakaupo sa sofa at nakatingin sa cellphone niya.
Babalik na sana ako sa kwarto pero napatingin na siya sa gawi ko kaya wala akong nagawa kundi ang ngumiti na lang sa kanya saka ako umupo sa katapat niyang sofa.
“How was Manila?” tanong niya sabay lapag ng cellphone sa mesa saka ako tiningnan nang diretso.
“A-Ayos lang,” sagot ko at tipid na ngumiti.
“How long have you been working there, Tahnia?”
“Magfa-five years na.”
“Oh, matagal na rin. Do you have any plans on staying here for good now? I can help you get a good job here with pay equal to your job there?” alok niya.
“Thank you for the offer, but I think I’ll decline,” magalang kong sagot sa kanya. “I just can’t leave my job there, Gov.”
“Gov?” Tumaas ang kilay niya. “You can start calling me dad now if you want,” aniya at bahagyang ngumisi na para bang pigil.
“N-No, I...I am uncomfortable,” prangkang sabi ko. “I just met you and I think it would be really uncomfortable to start calling you dad out of nowhere,” paliwanag ko. “At isa pa, hindi pa kayo kasal ni mama. And based on your situation right now, I don’t also think you’d get married anytime sooner,” dagdag ko.
Sumeryoso ang mukha niya. “Well...”
“To be honest...” pagpapatuloy ko. “...hindi ko gusto ang set-up n’yo. Kahit pa sabihin natin na pumayag ang mama ko sa ganitong set-up, hindi niya pa rin deserve na itago. She raised me without a husband. She raised me on her own, and I really think she deserves someone na hindi siya itatago; someone that would flex her with pride. Because my mother is such a wonderful and precious person just to be kept hidden,” tuloy-tuloy na sabi ko sa kanya.
“As I said, it’s quite complicated, Tahnia,” aniya. And the way he said those words felt like he didn’t care at what I said at all.
“How complicated is it, gov?” tanong ko at hindi na napigilan ang pagtaas ng kilay ko. “Tell me.”
“Do you really wanna hear it now?” tila panghahamon niya sa akin. “Because I really think you don’t wanna hear it from me right now.”
“Yes. It’s for my mother,” desididong sagot ko.
Tumingin siya sa akin, at tiningnan ko rin siya pabalik. At doon na siya lumapit sa akin. He sat just a few inches away from me. Amoy na amoy ko ang barakong amoy niya, and it’s making me so uncomfortable in a different way. Pakiramdam ko’y sinisilaban ako dahil nag-iinit ang katawan ko sa presensya niya pa lang. Halos mabingi na rin ako dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
Minabuti kong iiwas ang tingin sa kanya at bahagyang lumayo. Pakiramdam ko’y mauubusan ako ng hangin.
I didn’t expect my body to react this way at all.
Para bang bumalik ako sa gabing pinagsaluhan namin limang taon na ang nakararaan.
“It’s nice to see you this close again, Taffy,” mahinang sambit niya.
Namilog ang mga mata ko sa narinig ko. Agad akong napatingin sa kanya. At siguradong-sigurado ako na bakas na bakas sa mukha ko ang labis na gulat. Hindi ako pwedeng magkamali. Tamang-tama ang pagkadinig ko sa sinabi niya.
“Y-You...You remember m—” Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang marinig ko ang boses ni mama.
“Tapos na ako.” Lumapit na siya sa amin at tipid na ngumiti. “Tara na?”
“Yeah, we should go. Gabi na rin,” pagsang-ayon ni Sebastian. “We all need to rest,” aniya saka ako pasimpleng tinapunan ng tingin saka siya makahulugang ngumisi.
Naiwan akong tulala.
Gusto kong magmura.
Gusto kong maglaho na lang.
He remembers.
He freaking remember me! Sure ako!