Tahnia’s Point of View Hindi ko maalis ang tingin ko kay Sebastian habang abala ito sa pagtitipa sa laptop niya. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Enrico. Kanina ko pa tinatanong ang sarili ko kung ‘yon nga ba ang nararamdaman ko. “You’ve been staring at me since earlier, Tahnia...” biglaang saad niya saka niya inalis ang suot na salamin. Kunot-noo siyang tumingin sa akin. “You have something in mind?” Nag-init ang pisngi ko sa hiya. “W-Wala. Wala...” Dali-dali kong ibinaling sa mga papeles ang atensyon ko. “At hindi kita tinitingnan. Sa kawalan ako tumitingin,” palusot ko at nagkunwaring inaayos ang mga papel kahit na-arrange ko na ito kanina pa. Tumayo siya sa kinauupuan niya at tuluyang lumapit sa akin kaya mas lalo akong nataranta. "Tell me wha

