Tahnia's Point of View Marahan kong ibinuka ang mga mata ko nang mapansin kong tila may nagmamasid sa akin, at mabilis akong napabangon nang makita ko si Sebastian na nakatayo sa pintuan habang magka-krus ang maskuladong mga braso sa kanyang dibdib at nakatingin lang sa akin. "A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko saka napayakap sa aking kumot. "Anong balak mo?" Kunot-noo siyang tumingin sa akin. "Kung makatanong ka ay para bang may ginawa na ako," matigas niyang sagot saka masamang tumingin sa akin. "I am not like that, Tahnia. Kahit gaano ko pa kagusto ang isang tao ay hindi ako gagawa ng kalokohan habang tulog siya," aniya saka tuluyang pumasok at isinara ang pinto. "Kailan ka pa pumasok dito?" tanong ko at umusog sa kabilang direksyon ng kama palayo sa kanya. "Just a few minutes ag

