Kabanata 18
Tahnia's Point of View
Nakatitig ako ngayon sa kisame. Nakapatong ang kamay sa aking dibdib para ipitin ang puting kumot na siyang tanging nagkukubli sa aking hubad na katawan. Katabi ko ang nakadapang si Sebastian na gaya ko ay wala ring suot. Mahimbing ang tulog niya. Payapa ang kanyang mukha at dinig ko ang mga mumunting hilik niya.
Ngunit taliwas sa nararamdaman niya—heto ako; walang kapayapaan. I can't even close my eyes because of the extreme guilt that I feel. Akala ko matatapos na ang paghihirap ko, but things just got more complicated. 
Oo, nag-usap na kami tungkol sa mangyayari. Right after this, we will pretend as if nothing happened between us; that we are just strangers. 
Pero paano ko magagawa 'yon?
How can I ever do that when my body screams for his warmth?
Tinitigan ko siya, and I hate to admit it but I loved what we did. 
Nakakainis.
Nagi-guilty ako sa ginawa namin, yet I didn't regret the sensation. I didn't regret the heavenly sin we had. 
Napabuga na lang ako ng hangin saka tumalikod sa kanya. 
Gusto ko nang bumangon, pero medyo nahihirapan pa ako dahil masakit ang buong katawan ko, lalo na ang ibabang parte. He was so wild, so aggressive—in a good, mind-blowing way.
Nakagat ko na lang ang aking labi dahil sa prustrasyon.
Why do things have to be this way?
Ano bang ginawa kong kasalanan at naging ganito kakomplikado ang buhay ko?
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang tunog ng cellphone ko. Nang tingnan ko ay nakita ko ang pangalan ni Mama sa screen. Ayaw ko pa sana itong sagutin, pero mas ayaw kong mag-isip siya nang kung ano-ano.
"H-Hello?" sagot ko. 
"Nak, saan na kayo? Nag-e-enjoy ba kayo ni Sebastian?" tila sabik niyang bungad. Naiisip ko ang matamis niyang ngiti ngayon, and that just made me feel bad even more.
"B-Bumabiyahe na kami pauwi, 'ma. Medyo sumama ang pakiramdam ko," pagsisinungaling ko sa kanya.
"Gano'n ba? Sige, mag-iingat kayo, ha? Kwentuhan mo ako pagdating n'yo."
"Opo."
Binaba ko na ang tawag dahil hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Hinayaan kong tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Pagkarinig ko pa lang sa boses ni mama ay para na akong mawawasak.
Tahimik akong umiyak. 
"Who was that?"
Agad kong pinunasan ang luha ko nang marinig ko ang boses ni Sebastian. "Si Mama," sagot ko saka huminga nang malalim. "I think we should go. Hinahanap na niya tayo."
"It's still 11PM. I told her we would be home later."
"Sinabi kong bumabiyahe na tayo pauwi," matigas kong sagot saka ako marahang bumangon. "Tara na."
"Let's stay a little longer," aniya at akmang hihilain na sana ako pero tinampal ko ang kamay niya.
"Para saan pa?" Masama ko siyang tiningnan. "Nakuha mo na ang gusto mo. You already fùcked me; what else do you want?" pagsusungit ko.
Hindi siya agad nagsalita. Tumitig muna siya sa akin. "Do you really want to know what else do I want?"
Mabilis akong umiwas ng tingin. Ewan ko ba, ayokong marinig ang sagot niya. "No. Para saan pa? We're done here, Sebastian. Napagbigyan na kita sa gusto mong mangyari, so please, fulfill your end of the deal."
“Are you sure you want that?” aniya na para bang nagdududa pa siya. I didn’t like the tone of his voice. It was as if he’s doubting my decision.
“Gano’n ba kababa ang tingin mo sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Anong tingin mo sa akin, papatol sa lalaking may kinakasama na?”
“But you just did,” punto niya.
Natigilan ako. “It was necessary,” paninindigan ko. “It was to stop this nonsense,” paalala ko. “It was for you to stop your madness, Sebastian. It was for my mother,” dagdag ko saka ko kinuha ang underwear ko na nasa sahig. 
Isa-isa kong isinuot ang aking saplot. 
“Kung hindi ka pa maghahanda riyan, uuwi akong mag-isa,” malamig kong sabi saka ako humarap sa salamin at inayos ang aking suot. I have to make sure na walang kahit na anong palatandaang nagalaw ako. 
Pati buhok at make-up ko ay inayos ko rin. 
At habang ginagawa ko ‘yon ay biglang lumapit sa akin si Sebastian na nakahubad pa rin at niyakap ako mula sa aking likuran. “Tahnia...”
“Ano ba, Seb?!” Marahas ko siyang itinulak. Masama ko siyang tiningnan. Halos malukot na ang mukha ko sa labis na inis. “Put*ngina naman, Sebastian! Ano pa bang gusto mo, ha?! Nakuha mo na ang hinahangad mo. I gave you my f*cking body! Ano pa ba?!” singhal ko sa kanya.
“Ikaw. I want you,” seryosong sabi niya kaya mas lalong nag-init ang ulo ko.
“Put*ngina mo!” sigaw ko. “Naririnig mo ba ang sarili mo, ha? Nababaliw ka na!”
“I’ll break up with your mother so we could be tog—” Hindi niya natapos ang sinasabi niya nang sampalin ko siya.
“Was that hard enough to wake you up?” taas-kilay kong tanong. “Baka kulang pa magsabi ka lang.” Huminga ako nang malalim at naihilamos na lang ang magkabilang palad ko. “Please lang, Sebastian. Please lang.”
“Tahnia...”
“Ano ba?!” Dinuro ko siya sa tindi ng inis ko. “Akala ko ba malinaw na ang lahat? Put*ngina naman, eh! Pinaglalaruan mo ba ako, ha, Sebastian? Tinatrato mo ba akong parang bata, ha? Dahil kung oo, put*ngina mo!”
“Tahnia, I...”
“Tama na!” Halos magsilabasan ang mga ugat sa leeg ko. “Kung ayaw mo pa ring tumigil, then I’d do you a favor. Ako ang aalis. Ako ang lalayo. Wala akong pakialam kahit pa minsan na lang kami magkita ng nanay ko. B-Basta...” Doon na nabasag ang boses ko. Hindi ko inasahang mapapaiyak ako sa harapan niya. Pero dahil nakita na niya ang luha ko, ay hindi ko na ito pinigilan pa. “J-Just don’t leave her. Don’t hurt her,” pagsusumamo ko. “Please lang...”
Tumitig lang siya sa akin, at nang sinubukan niyang humakbang palapit ay agad akong lumayo. “Umuwi na tayo,” mahinang sabi ko sa kanya. “And promise me, pagkauwi na pagkauwi natin kakalimutan mo na ako—ang lahat nang nangyari sa atin. Let’s be strangers, Sebastian,” dagdag ko saka ako tuluyang lumabas sa kwarto niya.
Kung hindi pa rin siya uuwi, p'wes uuwi akong mag-isa. I can't stay here any longer. Sobrang nahihirapan na ako. I am so torn, and I hate it. 
Anong klaseng anak ang papatol sa kalaguyo ng ina niya?
Kaya lalayo na lang ako. Lalayo para hindi ko na masaktan pa si mama. Para tuluyan na akong makalimot.