Tahnia's Point of View Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging abala si Sebastian sa paghahanda para sa darating na filing of candicacy. Ako naman ay naging abala rin sa mga dokumentong kailangan kong asikasuhin sa kapitolyo. It’s been so draining, but it is the only way for me to support him. This is the only way for me to somehow lessen the weight he’s shouldering right now. Dahil alam kong hindi lang sa eleksyon ang inaalala niya, kundi pati na rin kami—ang kaligtasan ko, ang relasyon namin, at ang magiging buhay namin kapag nagsimula na ang campaign period. “Are you done?” tanong ko sa kanya nang balingan ko siya sa desk niya. Bahagyang nagulo ang kanyang buhok, at halos mangunot na ang kanyang noo. He looks so stressed and tired. “Almost,” pabulong niyang sagot habang nagtitipa

