Tahnia’s Point of View Kunot-noo akong lumabas ng kwarto. Hindi nasagot ang mga katanungan ko dahil biglang dumating ang nurse na naka-assign para i-check ako. At matapos niyang i-check ang kalagayan ko ay dumating naman si Enrico para kumustahin ako, habang si mama ay lumabas na muna para bigyan kami ng privacy. “How are you?” tanong ni Enrico sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso. He’s genuinely asking me. “Are you hurt anywhere?” “Ayos lang ako, Enrico,” paninigurado ko sa kanya saka tipid na ngumiti. “Dapat si Sebastian ang tinatanong mo; hindi ako.” “I can’t ask him yet,” aniya sa mahinang boses. Doon ko na napansin ang lungkot at pag-aalala sa mukha niya. “Hindi pa siya nagigising. But Calvin and his team are doing their best to make sure he’s okay.” “A-Ano?” Tila binuh

