Kabanata 63

2226 Words

Tahia's Point of View "Saan mo ako gustong magsimula?" seryosong tanong ni mama sa akin. Kita ko sa mukha niyang nag-aalangan siya, kaya mas lalo akong napaisip kung anong buhay ba talaga ang mayroon kami at kailangan niya akong itakas mula sa ama ko. "Magsimula tayo sa kung sino ba talaga tayo, 'ma," sagot ko sa kanya. "Sino tayo bago tayo tumakas mula kay papa." Marahan siyang tumango. Huminga siya nang malalim at ibinaling ang tingin sa kalangitan. "Bago 'yon, 'nak, hayaan mong ipakilala ko kung sino ang ama mo at kung paano kami nagkakilala," aniya. Bakas ang pagsisisi, galit, at lungkot sa kanyang mga mata. Tumango lang ako at naghintay sa kanya. "Isa akong physical therapist sa Italy," panimula niya. Agad kong napansin ang pagkuyom ng kanyang mga kamay. "Nagtatrabaho ako sa isan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD