HIGHSCHOOL DAYS Unang taon ni JK sa highschool at hinahanap niya ang kanyang silid, dahil sa laki ng paaralang pinapasukan niya ay nagkanda ligaw ligaw pa siya. May mga babaeng nagpapapansin, nagpapacute at kung ano ano pa, na siya namang ikinaasiwa niya. Napadpad siya sa second floor sa dulong building ng may marinig siyang isang malaanghel na boses. Hinanap niya ito kung saan nanggagaling. Nang makalapit na siya sa pinanggagalingan ng boses na yon ay mas lalo pa siyang namangha, hindi lang maganda ang boses kundi mala anghel ang mukha nito, nakapikit ito habang kumakanta. Dahan dahan naman siyang lumapit dito at pinagmamasdan ang babaeng kumakanta. Nakaupo ito at siya naman ay nakatayo sa kanyang harapan. Nang matapos nang kumanta ay siya namang pagmulat nito. Nagulat pa si macelyn at