Bagsak ang balikat kong bumalik sa loob ng ospital. Nagbalik na nga si mace pero bakit hindi niya ko pinuntahan? Anong ginagawa niya dito? s**t! Ang sakit ng ulo ko kakaisip. Nakasalubong ko pa si wallace na matamang nakatitig sa'kin tinanong kaagad ako ng makalapit na ko. “Bro, nagkausap kayo? Umiling lang ako. “Nakasakay na siya ng taxi ng makita ko siya” “Puntahan mo sa kanila, wag ka na magsayang ng oras pa. “Sige pupuntahan ko na siya ngayon” maglalakad na sana ko papunta sa aking opisina ng magring ang cellphone ko. Nakita kong si dad ang tumatawag napapikit muna ko bago sinagot. “dad” walang gana kong sagot “Marco umuwi ka dito mamaya” utos ni dad. Panigurado mag-uusisa siya tungkol sa nabasa niya sa magazine. “Dad kung tungkol ito sa nakalagay sa magazine, well that’s