“Marco bumalik ka dito! Sigaw ng aking ama habang tumatakbo ako palabas ng aming malaking gate. Tulala ako habang naglalakad sa daan at hindi alam kung saan pupunta hanggang sa makarating ako sa isang parke. Naupo ako sa swing at nakayuko habang humihikbi. Maya maya ay may lumapit sa aking isang batang babae. “Hey why are you crying? Are you okay? Nanatili lang akong nakayuko at hindi siya pinapansin. “Don’t worry everything is gonna be okay, always smile and be happy” nag-angat naman ako ng tingin at tinitigan ang batang babae na sa tantya ko ay nasa anim o pitong taon, nakangiti ito sa'kin at maya maya'y isinuot nito sa'kin ang kanyang bracelet na may pangalang Lyn. “Ayan, para hindi ka na mag cry ibibigay ko na lang sayo yan. Sana magkita pa ulit tayo” at bigla na siyang tinawag n