"Hi kuya mazer! i'm sorry if I really have to do this, alam kong hindi ito tama. Pero hindi din tama na iwanan mo si macelyn. Narinig ko ang pag-uusap niyo ni doctor marco, pupuntahan ko sana si mace dahil nabalitaan ko ang nangyari sa kanya. hindi ko hahayaang mawala ka sa piling ni macelyn. Mas lalo siyang masasaktan at ayoko makita siyang nagdudusa dahil nawala ang kaisa isa niyang kapatid. Kuya mazer salamat sa lahat. Nang dahil sayo nagkaron ulit ako ng pamilya. Ikaw, si macelyn at nana lumen. Kayo ang nagsilbing pamilya ko sa mahabang panahon. Naging masaya ako kasi kahit wala akong magulang at may sari sarili na silang pamilya hindi niyo ako pinabayaan. Napaka swerte ni macelyn kasi napaka mapagmahal mong kuya. Ikaw ang tumayong magulang niya. Alam kong nangako ako kay mace na hindi