Naglalakad ako galing sa ER ng mamataan ko si wallace na may kausap na babae sa di kalayuan, mukhang bata pa ito. Hinagod ko naman ito ng tingin, naka simpleng white t-shirt lang ito at naka faded jeans at black rubber shoes ang suot. Meron din siyang maliit na back pack at mukhang kagagaling lang sa school. Simpleng ngumiti ang babae bago ito tuluyang lumakad palayo, kita ko naman kay wallace ang pag-iling nito at pilit na ngumiti habang nakatingin sa papalayong babae na kanina ay kausap niya. Nilapitan ko siya ng hindi niya namamalayan na siyang kinagulat niya. “Who's that pretty lady? Wika ko habang nakatingin sa babaeng kaninang tinitignan niya. “she’s just a college student” wika niya habang tinatahak namin papunta sa kanyang opisina “And then”? Napahinto siyang bigla sa aming p