Mahigit tatlong bwan na ang lumipas ay hindi pa din nagigising si macelyn. Medyo nahahalata na din ang umbok sa tyan nito at oras oras ay sinusuri silang mag-iina. Maayos naman ang kalagayan nila sa ngayon ngunit hindi pa din sila ligtas dahil kailangan bawat oras ay nababantayan sila sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si macelyn. Naayos na din sa wakas ni mazer ang problema sa kanyang kumpanya at nagawan na ito ng paraan, kaya't excited na din siyang magising ang kapatid para sabihin ang magandang balita. Si nana lumen at leonard ang nagbabantay kay mace sa umaga at si marco naman ang sa gabi. Halos naging bahay na niya ang ospital dahil pagkatapos ng duty nito ay dederetso na siya kaagad sa kwarto ni mace para bantayan at alagaan ito. Hindi na din siya nakakapagpahin