“Jac! Sorry! Late na akong dumating. Inihatid ko pa kasi sa opisina ni papa ang mga naiwan niyang papeles,” sabi ko kaagad kay Jacques nang makalapit na ako sa kinauupuan niya. Nag-text siya sa aking magkita kami sa park na lagi naming tambayan. Inilabas ko sa dalang paper bag ang mga binake kong cookies para dito. Pinunasan ko ang pawis sa aking leeg. Tumakbo na kasi ako mula entrance hanggang dito. “Nag-bake ako ng cookies o. Ginaya ko ang recipe ng mama mo. Di ba sabi mo sa akin paborito mo iyon? Hindi nga lang perfect ang pagkakagawa ko noong una kaya pinaglaanan ko talaga iyan ng panahon para ma-achieve ko yung lasa na gusto mo.” Iniumang ko sa kaniya ang tupperware. “Sige na. Tikman mo na.” Hindi lang kumibo si Jacques. Ni hindi ako tiningnan. Naibaba ko ang hawak at nagpokus sa