“Myca, saan ka?” Inayos ko muna ang pagkakatapat ng cellphone ko sa tenga bago sinagot ang tanong ni Barbie. “Nasa mall ako. Nagyaya ako kay Jacques na mamili ng pots for my plants, eh. Hinihintay ko na nga lang siya. Bakit?” “Ah, ganun ba. Pupuntahan sana kita para i-discuss sa iyo ang naiisip ko na new venture. Nakausap ko na ang iba at mukhang nagustuhan naman nila.” Kinuha ko ang beige na jacket na nagustuhan ko sa hilera ng mga damit at itinapat ito sa sarili sa harap ng salamin. “Sure. Ano ba ang oras ng out mo? Nasa bahay lang naman ako, magtatanim. Dumiretso ka na roon. Babalik din naman ito sa office si Jacques.” “Sige. Salamat. I’ll be there at four in the afternoon. Bye.” Dinampot ko pa ang isang blouse na nagustuhan ko ang design saka nagpunta sa cashier para magbayad.