“Myca, saan na ba iyong jowa mo? Kanina pa tayo naghihintay dito, o. Naubos na namin ang tatlong bucket ng alak. Panglimang serving na rin iyan ni Pariah,” wika ni Xylca habang tumutungga sa hawak na bote. Tinaliman naman siya ng sulyap ni Pariah na kumakain ng pulutan. “Anong panglima? First order ko pa nga ito. Si Barbie kaya ang nakaubos nitong dalawang plato.” “Tumigil na nga kayong dalawa. Kanina pa kayo, eh. Ikaw Xylca, kung hindi si Barbie ang pinagdidiskitahan mo ay si Pariah naman. Kawawa talaga sa iyo ang anak mo,” puna ni Sheki na pagkuwan ay bumaling sa akin. “Nasaan na ba kasi si Jacques? We’ve been here for like two hours now.” Kinuha ko uli ang cellphone at binasa ang text ng fiance. Nasa daan na raw ito. Humingi nga ito ng pasensiya sa mga kaibigan ko dahil kahit ito an