ANGELICA SANTOS POV Isang malakas na hampas sa leeg noong nakadilaw ang binigay niya sabay sipa naman sa sikmura nito at sa pagkakataong ito napatumba na niya ang kalaban niya. "Republic act no. 9262 or Violence against Women and their Children act of 2004 na ang pisikal na pang-aabuso, Sekswal na pang-aabuso, Emosyunal na pang-aabuso at ang Pinansyal na pang-aabuso ay matuturing na isang krimen. At kapag ikaw ay napatunayan ng korte na nagkasala ka maari kang makulong at obligado na magbayad ng Isang daang libo hanggang tatlong daang libong pisong danyos sa biktima. Ang haba ng iyong pagkakakulong ay depende sa kung gaano kabigat ang nagawa mong krimen at ikaw ay din ay obligadong sumailalim sa Psychological counseling or treatment!" Maangas niyang sabi. Woah! Bilib na talaga ako ka