AIDEN STEWART POV " WHAT THE FVCK! I CAN'T REACH HER! I CAN'T FIND HER ANYWHERE! " Gigil na sabi ko sabay dabog sa lamesa ko. Nandito ngayon ako sa opisina pero halatang wala sa trabaho ang isip ko. I don't care kung wala akong mamana sa pamilya ko. I still have this company. I also have my own savings so not literally sa kanila ako umaasa. Hindi ako yung anak na nakadepende sa mga magulang. Dinial ko ulit ang number ni ange. "the number you dial ---" mabilis kong pinatay ang tawag at inis na binato ang cellphone ko sa kung saan. Galing ako sa bahay nila kagabi pero sabi ng mama niya ay wala siya doon. Galing ulit ako kaninang umaga at wala nanaman siya doon. Hindi daw nakauwi! Bumugha ako ng marahas na hangin. Hindi ko alam kung san ko siya hahanapin. I ended up dialling andrew.