KARMINA ROBERT'S Hatak-hatak ko ang maleta ko habang palabas na ng paliparan. Mabibigat na buntong hininga ang mga pinakawalan ko.. Tila umaasa na siya ang unang taong makikita ko sa pagbalik ko ng pilipinas. "Ms. Roberts!" Sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan. "Ms. Roberts dito po!" Sabi niya at kinuha ang maleta ko. Isang puting Toyota Super Grandia ang nakita kong nakaparada at ito na marahil ang sasakyan namin. Pagsakay namin sa Van, Masaya akong binati ng driver. "Mam maligayang pagbabalik po! Welcome to the Philippines." "Salamat." "Deretso po muna tayo sa accomodation niyo. Magpapahinga po muna kayo ngayong araw at bukas ng 8am ay susunduin po kita para sa photoshoot niyo." He said. Tumango-tango lang ako. Rest day ko ngayon? Saan naman ako pupunta? Ano n