NATE GARCIA'S POV Naiinis ako dahil yung babaeng katabi ko ay umiiyak ng dahil sa lalaking yun! mas lalong humihipit ang hawak ko sa manibela habang naririnig kong kausap niya sa si aiden at umiiyak. gusto kong ikabig ang manibela sa tabi at yakapin siya.. ang sarap sabihin na nandito naman ako bakit siya pa??? yung ang tagal naming magkasama.. pero ni minsan hindi nabaling ang atensyon niya sa akin. Ni minsan hindi niya ako tinuring ng higit pa sa kaibigan. hindi ko tuloy maiwasan na tanungin ang sarili ko kung ano pang kulang?? kung ano bang meron si aiden ng wala ako? o sadyang hindi lang talaga kami nakalaan para sa isa't-isa? ang hirap pala ng ganito. yung ang lapit niya sayo pero parang napakalayo niya.. AIDEN STEWART POV i just arrived here at our house.